You are viewing xreinx

i.

March 2009

S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031    

Links

Tags

Powered by LiveJournal.com
i.

Panahon ng Isinauling Kalayaan, Aktibismo at ng Bagong Lipunan, Filipino 2

Panahon ng Isinauling Kalayaan, Aktibismo at ng Bagong Lipunan

Filipino 2

Professor Marcos

Pangatlong Grupo

2 Marso 2009

---------------- TABLE OF CONTENTS  ----------------



Layunin

Panimula

Panahon ng Isinauling Kalayaan

Panahon ng Aktibismo

Panahon ng Bagong Lipunan

Talasangguniang



LAYUNIN

1.    Matalakay ang kalagayan ng Panitikan at ng Kasaysayan noong panahong ng Isinauling Kalayaan, Aktibismo at ng Bagong Lipunan

2.    Malaman natin ang Kasaysayan n gating lahi, ang idealismong Pilipino, an gating pananampalatay at ang ating mga paniniwala, kultura at kaisipang panlipunan noong mga panahong ito.

3.    Masuri natin an gating sariling panitik ayon sa mga magagandang katangiang taglay nito.

4.    Maipakita ang pagbabago ng panitikan sa Pilipinas sa pag alis ng mga Espanol, Amerikano at Hapones.



PANIMULA

Ang tatlong paksang aming iniulat sa klase na Panahon ng Isinauling Kalayaan, Panahon ng Aktibismo at Panahon ng Bagong Lipunan, itinalakay rito ang kagandahan at kapangitan ng nasabing panahon. Ang kasaysayan at panitikan at ang mga naging hadlang sa pag uusbong nito. Naging malaya man ang Pilpino sa kamay ng mga Espanol, Amerikano at Hapon, naging mabigat parin ang suliraning iniwan nila lalo na sa mga digmaan noong panahong yoon.



Panahon ng Isinauling Kalayaan


Natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1945. At sa ika-apat ng Hulyo taong 1946 isinauli ng mga Amerikano ang kalayaan ng mga Pilipino. Sa mga panahong ito, naging balakid ng Pilipinas sa kaniyang pagsasarili ang Ekonomiyang naapektuhan ng digmaan.

Ang Hukbalahap (Hukbong Bayan laban sa Hapon) na binubuo ng mga gerilyang may pagkiling sa komunismo, ay isa pang paman ng digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-ekonomiko. Ngunit isa sa pinakamahalagang nagawa ng mga Hukbalahap ay ang pagbigay katarungan sa mga dukha noong panahong ito. Sa panahong ito rin, naging mapangahad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat. Gayun pa man, hindi rin natin tahasang masasabing walang wala nang sinumang nag-tataglay ng pag-ibig sa sining ng panunulat. Naging mga ulirang manunulat na mga Amerikano sina Ernest Hemingway, John Steinbeck at William Saroyan. Hinangaan ng mga Pilipino ang husay ng istilo ng kanilang pagsusulat

Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino nang panahong ito. Ang halos naging paksa ng mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones, ang kabayanihan at iba pa.

Nabuksang muli ang palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad ngLiwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, Sinag tala at iba pa. Nagkaroon ng laman at hindi salita’t tugma lamang ang mga tulang Tagalog. May mga nobela ring namalasak. Umusbong rin at dinumog ng pulu-pulutong mga tao ang pakikinig sa bigkasan ng tula. Ilan sa mga aklat na nailimbag noong panahong ito ay ang Mga Piling Katha (1947 – 1948) ni Alejandro Abadilla, Manlilikha, Mga Piling Tula ( 1961 – 1967) ni Rogelio G. Mangahas, at Ako’y Isang Tinig (1952) ni Genoveva Edroza Matute.

Noong panahong ito rin muling sumigla ang Panitikan sa wikang Ingles. Isa pang nagpasigla sa mga manunulat natin noong panahong ito ay ang pagkalunsad ng Timpalak-Palanca o “Palanca Memorial Awards for Literature” na pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. noong 1950. Magpahangga ngayon, patuloy parin ang pagbibigay gantimpala.



PANAHON NG AKTIBISMO

Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong taong 1970 – 72. Ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista ay samutsaring paniniwala. Iba’t ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong ito. May mga kabataang nabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New People’s Army), may mga naging “Burgis” radikal o rebelled at mayroon ding mga nanatiling parang mga walang pakialam sa takbo ng pamahalaan. Sa kalahatan, maraming mga kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Maraming akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit sa higpit ng pamahalaan noon, ay kakaramput na lamang ang natira ngayon.

Humantong sa pagdedeklara ng Batas Militar o Martial Law noong 1972 ang binhi ng aktibismo. Sa mga panahong ito nauso ang duguang plakard. Ang pag rarali ng mga aktibista at ilan pang taliwas sa gobyerno nang may plakard na kasing pula ng dugo ang ipinangsusulat.

Ang karaniwang paksain at laman ng mga pahayagan at panitikan noong panahong ito ay punong-puno ng damdaming mapaghimagsik. Ang mga dating Aristokratang manunulat ay nagkaroon ng kamulatang panlipunan. Madalas tungkol sa kabulukan ng lipunan at pulitika ang talakay nila noong panahong ito.

Masasabing halos nagtataglay ng tatlong katangian ang mga tulang makata noong panahong ito. Una ay ang pagmamasid at pagsusuri ng kalagayan ng bata;
pangalawa ay ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at ang ikatlo ay ang tahasang masasabing labag sa kagandahang asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita. Sa larangan naman ng Nobela at Maiikling Kuwento, payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lenggwaheng ginagamit nila. Naging mapangahas ang mga manunulat ng Dula, maiikling kwento at mga nobela noong panahong ito. Nang panahong ding ito ng Aktibismo, nagsimulang napanood ang mga pelikulang malalaswa. Tinawag itong mga Pelikulang Bomba. Isinamantala ng mga may akda ng mga pelikulang ito ang gulo na namamayagpag sa bansa upang gumawa ng mga malalaswang pelikula. Gayundin sa mga komiks na nagsulputan. Na ang karaniwang mga larawan ay walang saplot ang katawan.


Panahon ng Bagong Lipunan


Noong Setyembre 21, 1972 nagsimula ang panahong ng Bagong Lipunan. Luntiang Rebolusyon, Pagpaplano ng Pamila, Wastong Nutrisyon, Drug addiction, Polusyon at iba pa ang karaniwang naging paksain ng panitikan nang panahong ito. Sa panahong ito rin pinagsikapang putulin ang mga malalaswang mga babasahin at pelikula gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan.

Nagtatag ang pamahalaan ng military ng bagong kagawaran na tinawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang siya ang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagang, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan.

Muling naibalik ng dating Ginang Imelda Romualdez Marcos ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at iba pa. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater at maging ang Metropolitan Theater. Naging laganap ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Malaki rin ang naitulong ng mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway at iba pa sa pag uunlad ng Panitikan. Tahasang masasabi na nagningning ang Panitikang Filipino noong panahong ito. Naging paksa rin ng mga tula ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng kapaligiran, at iba pa.

Nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting Pilipino noong 1975 nang ang mga awiting tulad ng “TL Ako Sa Iyo” ng grupong Cinderella, “The Way We Were” ni Rico J. Puno at iba pa ay nagsilitawan. Ang mga awiting ito ay naging popular sa tawag na Himig-Maynila. Sa kaligirang ito rin ay nadagdagan pa ng ilan pang mang aawit at kompositor ang larangan ng awiting Pilipino.

Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga Sanaysay, Awit, mga Talumpati at Tula. Walang pinag kaiba ang maikling kwento nang panahong ito sa mga naisulat bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at tula.
   

Talasanggunian

Santiago, Erlina M. Panitikang Filipino . Kasaysayan at Pag – unlad
Pangkolehiyo . National Bookstore . Manila . 1989 .

Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino (pampanahong elektroniko). National Book                              Store. Mandaluyong City. 1991

http://www.wikipedia.com
http://websayt.com/cd/eraser3.htm
http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/28/Panitikang_Filipino_sa_Ibat_ibang_panahon


Comments

(Anonymous)

tanga ka

wala kang kwenta tandaan mo yan